Intro

Si Bobby Brillante ay nanungkulan na bilang Konsehal at Vice Mayor ng Makati. Nag lingkod bilang Director sa Presidential Communications Operations Office, Special Assistant sa Bureau of Customs at OIC/Fiscal Agent ng Presidential Commissson on Good Government (PCGG).

Profile

Sa kasalukuyan siya ay freelance radio/tv broadcaster at communications & media management consultant. President ng Kalayaan Foundation, Inc. Si Bobby ay Convenor ng Campaign for Public Accountability (CPA), isang non-government organization (NGO) na nagsusulong upang labanan ang corruption at magkaroon ng malinis na gobyerno at matapat na serbisyo.

Nag aral ng Economics sa University of Santo Tomas (UST) at Public administration sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), nagpaka dalubhasa sa micro-economics at mass communications, at naging Asian Section Editor ng Third World News and Views sa Washington, DC, USA.

Dahil sa kanyang karanasan bilang Konsehal at Vice Mayor, at sa kanyang krusada laban sa corruption, pang aabuso at katiwalian sa gobyerno at upang ma-isulong ang malinis at matapat na serbisyo sa local na pamahalaan, si Bobby Brillante ay nahimok na muling mag lingkod bilang Councilor ng Second District ng Makati.

Messages

Nais po naming magkaroon ng fiscalizer sa City Council, isang Konsehal na hinde magiging sunudsunuran sa sinumang Mayor na gagawa ng katiwalian at pang aabuso sa tungkulin. Nais po nating magkaroon ng boses upang mabigyan ng katugunan ang mga hinaing ng mga mahihirap na mamamayan sa Makati. Nais po nating magkaroon ng Konsehal na agarang tutugon sa mga ilegal na demolisyon ng mga informal settlers at magtatanggol sa mga inaapi.

Nais po natin ng isang matapang na Konsehal na magsisiwalat sa anu mang pang aabuso o katiwalian at magsasampa sa Ombudsman ng mga kaso laban sa mga abusado at corrupt na official sa gobyerno tulad ng ginawa nya nung siya ay nanungkulan bilang Konsehal at Vice Mayor. Kailangan natin si Bobby Brillante bilang Councilor. Kailangan si Bobby Brillante bilang Bantay ng Bayan sa Makati.

Samahan po natin at ibalik si i Bobby Brillante.

Isulong ang pagbabago

BANTAY BAYAN MOVEMENT (BBM)

175 Kalayaan Avenue, West Rembo, Makati City * Tel 945 7954


The Real Bobby Brillante

In 1982 the late Bingo Lacson, daughter of Mayor Arsenio and Luchi Lacson, hosted a gathering in her Maryland home to discuss how to resist the dictator (who had a daughter looking like her). This was before Ninoy Aquino's brutal salvaging. Only Gutsy would show up in such plotting sessions. Among those I met was Bobby Brillante. This dude has always had moxie.
Continue reading